Skip to main content
search

Remote Peering

Makakuha ng Tuloy-tuloy na Access sa Mga Pandaigdigang IXP Gamit ang Remote Peering

Mag-peer on-demand sa 20+ nangungunang internet exchange sa pamamagitan ng single port interconnection.

Makipag-usap sa isang EspesyalistaI-download ang Remote Peering Datasheet

MGA BENEPISYO

Pinagsasama-sama ang Pinakamahuhusay sa Peering

Ang remote peering ng Epsilon ay isang one-stop solution na nagbibigay-daan na magkaroon ng connectivity sa internet sa remote na paraan mula sa isang Epsilon Point of Presence (PoP) sa mga Internet Exchange sa buong mundo nang hindi nangangailangan ng pisikal na presensya sa local internet exchange point.

Remote na mag-access ng libo-libong target na peer sa buong mundo para mapaganda ang delivery ng content at application sa buong network mo sa pamamagitan ng pagkonekta sa global network fabric ng Epsilon.

I-access ang Infiny at Mag-peer nang Remote Ngayon
Extensive na Abot sa Buong Mundo
Mag-interconnect sa mga pandaigdigang Internet Exchange (IX) gamit ang aming 150+ on-ramp location, at mag-access ng malawak na network ng 13,000+ peering member nang hindi na kailangan ng pisikal na presensya.
Scalable na Connectivity
Madaling kumonekta sa maraming IX at on-demand sa Infiny at i-enjoy ang flexibility na i-scale ang bandwidth mo ayon sa mga pangangailangan mo.
Pinagandang Mga User Experience
Bawasan ang network latency sa pamamagitan ng mas kaunting bilang ng paglipat sa pagitan ng mga service provider. I-unlock ang optimal na performance para mga bandwidth-sensitive na application.
Pag-optimize ng Gastos
Hindi na kailangan ng malalaking paunang investment at bayaran lang ang mga kinakailangang bandwidth at koneksyon.
Tuloy-tuloy na Onboarding
Pasimplehin ang peering journey mo at kami na ang bahala sa lahat ng IX membership at onboarding mo. I-experience ang ginhawa ng pagkakaroon ng iisang kontrata para sa mga serbisyo ng connectivity at IX peering
Single Access Port
Alisin ang mga gastos at limitasyon sa oras na dulot ng pagkakaroon ng pisikal na presensya sa iba’t ibang IX peering location. Inihahatid namin sa iyo ang mga gusto mong peering partner sa isang convenient na location gamit ang isang single interconnection port.

Paano Gumagana ang Remote Peering

Kumonekta sa mga major na Internet Exchange sa buong mundo at mag-peer nang remote sa mga gusto mong Internet Exchange Point (IXP) mula sa isang single multi-service port nang hindi nangangailangan ng pisikal na presensya.

Nagsisilbing mga pisikal na lokasyon ang mga Internet Exchange Point kung saan puwedeng direktang mag-interconnect ang isa o higit pang network, na nagbibigay-daan sa efficient na palitan ng data sa mas kaunting paglilipat. Nagreresulta ito sa mas mababang latency, pinagandang internet performance, at mas mataas na reliability para sa mga end-user.

Puwedeng mag-configure ng maraming VLAN mula sa isang common network port sa pamamagitan ng paggamit sa aming trans-Atlantic MPLS network, para sa scalable na bandwidth na hanggang 100Gbps.

Sa remote peering na powered ng dedicated na Layer 2 connectivity sa pagitan ng business mo at ng mga IX, makatipid sa mga gastusin sa IP habang ine-experience ang malalaking pagpapaganda sa traffic routing.

Epsilon Telecommunications remote peering partners

Ang Aming Mga Internet Exchange Peering Partner

Sa malawak na network ng mga partner ng Epsilon sa buong mundo, nabuo ang isa sa pinakamalalaking peering hub sa buong mundo, na nagbibigay ng access sa mga bagong peering opportunity sa pandaigdigang komunidad ng mga IX partner.

Tingnan ang mga IX on-ramp location

MGA USE CASE

IX Peering sa Buong Mundo

Ginagamit ng Remote Peering ng Epsilon ang Ethernet connectivity na inihahatid sa network ng Epsilon, na nagtitiyak ng mababang latency at kaunting jitter connection na may garantisadong throughput na nagbibigay ng mas mataas na reliability para sa iyo at sa business mo.

Tingnan kung paano napapababa ng aming mga solution ang gastos at napapaganda ang performance at bilis ng internet para sa mga end-user mo.

use cases for epsilon remote peering

Pagpapaganda sa Performance ng Application

Kailangan mo ba ng reliable na connectivity para sa mga bandwidth-critical na application?

Maka-experience ng mas mababang network latency para sa mas mabilis na online gaming at on-demand video streaming gamit ang remote peering, na pinapaganda ang network routing, na nagtitiyak ng tuloy-tuloy at pinagandang online experience at nagbibigay-daan sa iyo na i-enjoy ang mga paborito mong content sa minimal lang na delay.

Pagpapalawak ng Abot sa Buong Mundo

Kailangang abutin ang mga bagong market, kabilang ang mga lugar na mahirap abutin?

Madaling kumonekta sa mga gusto mong Internet Exchange Point (IXP) sa buong mundo at suportahan ang kasalukuyan mong network infrastructure gamit ang malawak na pandaigdigang network ecosystem ng mga partner ng Epsilon. Hayaan kaming gumawa ng custom na network design na tuloy-tuloy na mag-i-integrate sa mga partikular mong pangangailangan sa business. Isang single interconnection port lang ang kailangan mo para magkaroon ng mga peering connection sa lahat ng gusto mong IXP.

Pagpapasimple sa Network Management

Naghahanap ka ba ng single source ng provider para sa mga pandaigdigan mong interconnection?

I-optimize ang peering strategy mo sa madaling paraan gamit ang isang single na interconnect at point of contact, dahil Epsilon na ang bahala sa bawat aspeto ng mga pangangailangan mo sa peering, mula pagkonekta sa mga IXP hanggang sa pamamahala ng mga IX membership, pagbibigay ng teknikal na suporta, pangangasiwa sa mga legal na usapin, at pagpoproseso ng billing.

CASE STUDY

Going Global sa On-demand na Remote Peering

“Binago ng aming partnership sa Epsilon ang connectivity namin sa buong mundo, at nabigyang-daan kami nito na makapag-deliver ng mga kahanga-hangang digital experience sa aming mga customer nang walang kahirap-hirap. Hindi lang basta pinalawak ng Remote Peering solution ng Epsilon ang aming network reach hanggang sa labas ng Indonesia, pinataas din nito ang performance ng content at application sa buong mundo. Mahalaga ito sa pag-abot sa mga demand ng aming mga customer para sa tuloy-tuloy na connectivity, lalo na sa mga rehiyon gaya ng U.S., Europe, Hong Kong, at Japan.”

Michael McPhail

Chief Technology Officer, Moratelindo

Basahin ang Case Study
case study for remote peering

REMOTE PEERING

Handa ka na bang i-expand ang global footprint mo sa mga bagong lokasyon?

Makipag-usap sa isang eksperto

Mga Madalas Itanong

1. Ano ang Peering?

Ang Peering ay ang direktang exchange ng trapiko sa internet sa pagitan ng mga network sa isang Internet Exchange Point (IXP). Pinapahusay nito ang performance ng internet, binabawasan ang pagdepende sa mga third party na provider ng transit, at naghahatid ng mas mabilis at maaasahang experience sa internet para sa mga end-user sa pamamagitan ng efficient na exchange ng data na mas kaunti ang mga pagpapalipat-lipat.

2. Ano ang layunin ng Peering?

Layunin ng peering na magbigay-daan sa mas efficient at sulit na exchange ng trapiko, na gagawing mas maaasahan ang network at mas malawak ang pandaigdigang abot. Nagagawa ito ng peering sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga network na magtulungan at direktang mag-exchange ng trapiko, na binabawasan ang pangangailangan na tumawid ang data sa maraming intermediary na network.

3. Ano ang Remote Peering?

Ang Remote Peering ay isang paraan ng pag-interconnect ng mga network sa pagitan ng dalawa o higit pang network sa isang Internet Exchange Point (IXP) o peering point gamit ang isang service provider ng remote peering para gumawa ng koneksyon.

4. Ano ang pinagkaiba ng Remote Peering at Direct Peering?

May apat na pangunahing pagkakaiba ang Remote Peering at Direct Peering:

  1. Pisikal na presensya: Nagbibigay-daan ang Remote Peering sa mga negosyo na kumonekta sa Internet Exchange Point (IXP) nang walang pisikal na presensya, dahil ginagawa ang mga koneksyon sa pamamagitan ng provider ng Remote Peering. Kailangan naman ng Direct Peering ng pisikal na presensya sa IXP.
  2. Deployment ng hardware: Ang Remote Peering ay hindi nagre-require ng deployment ng physical hardware sa IXP, samantalang dapat mag-invest ang mga negosyong pumipili ng Direct Peering sa pag-install ng hardware, bayad para sa colocation at utility sa bawat IXP, at pamamahala sa mga tuloy-tuloy na singil para sa maintenance.
  3. Interconnection port: Nagbibigay-daan ang Remote Peering sa mga negosyo na mag-access ng maraming IXP gamit ang isang interconnection port at cross-connect sa service port. Kumpara dito, kailangan ng Direct Peering ng hiwalay na pisikal na port at cross-connect para sa bawat IXP na gustong maka-peer ng network.
  4. Pamamahala ng vendor: Pinapasimple ng Remote Peering ang pamamahala ng maraming ugnayan sa IXP, na karaniwang may iba’t ibang Kasunduan sa Antas ng Serbisyo (Service Level Agreement o SLA) at kontrata na dapat pangasiwaan ng mga negosyo kapag gumagamit ng tradisyonal na Direct Peering.

5. Paano gumagana ang Remote Peering ng Epsilon?

Ang Remote Peering ng Epsilon ay isang sulit na solusyon na nagbibigay-daan sa mga network na i-access ang Internet Exchange Point (IXP) o peering point mula sa isang malayong lokasyon nang hindi kinakailangang magkaroon ng pisikal na presensya sa lokasyon ng exchange.

6. Paano nagagawa ng Remote Peering na bawasan ang latency at pahusayin ang performance ng network?

Binabawasan ng Remote Peering ang mga distansya ng transit ng data, na nag-o-optimize sa pagruruta sa pamamagitan ng mga Internet Exchange Point (IXP) na nakaposisyon sa strategic na paraan, at binabawasan nito ang congestion para sa mas mababang latency ng network at mas mahusay na performance. Nagiging mas maaasahan pa ang network dahil sa kakayahang mag-reroute ng trapiko sa mga pagpalya ng network at magpatupad ng higit na kontrol sa mga desisyon sa pagruruta. Dahil dito, mas efficient gumana ang mga application at serbisyong hino-host sa network, na naghahatid ng mas magandang user experience sa pangkalahatan.

7. Paano ako makakapili ng tamang service provider ng Remote Peering?

Kapag pumipili ng service provider ng remote peering, pag-isipan ang mga salik gaya ng:

  • Extensive na ecosystem ng partner: May mga partnership dapat ang service provider para makapagsagawa ng tuloy-tuloy na remote peering sa gusto mong mga Internet Exchange Point (IXP) sa buong mundo
  • Scalability at flexibility ng network: Dapat ay may kakayahan ang solusyon na tanggapin at tugunan ang iyong mga nagbabagong requirement

8. Ano ang Internet Exchange Point (IXP)?

Ang Internet Exchange Point (IXP) ay isang pisikal na lokasyon kung saan nag-i-interconnect sa isa’t isa ang mga kumpanya ng imprastraktura sa Internet. Ang mga lokasyong ito na nakaposisyon sa strategic na paraan ay nagsisilbing mga peering point para magawa ng mga network provider na mag-exchange ng trapiko sa labas ng sarili nilang network. Ang pagkakaroon ng presensya sa IXP ay nagbibigay-daan sa mga kumpanya na i-minimize ang distansyang nilalakbay ng data papunta sa transit na nagmumula sa iba pang kasaling network, na binabawasan ang latency at ginagawang mas mabilis ang round trip.

Huwag nang maghintay pa, kunin ang kontrol ngayon

Magpadala sa amin ng mensahe at agad kaming tutugon.

Close Menu